
May ikukuwento ako sa inyo….Nung isang araw lang ay Nagkuwentuhan kami ng aking kaibigan through E-mai….kinuwento niya sa akin yung Sinabi ng Perhuwisyo…I mean,Sulpicio Lines,Sinabi nila na ang Paglubog na barko na M/V Princess of the HELL…este,Stars pala…Ay “ACT OF GOD“…..
Tapos may tinanong siya sa akin….ang sabi niya : “Kung Galit ang Sulpicio sa DIYOS sa Paglubog ng barko nila,Sino naman kaya ang Pinasasalamatan nila sa tuwing sila ay Kumikita ng Malaking halaga ng Pera?”
Siguro naman ay Alam niyo na ang Balitang ito…At alam ko ang nararamdaman niyong Galit at Pagngingitngit sa kanila….Dahil isa rin akong Kristiyano at talagang Matindi ang Paniniwala at Pag-asa natin sa PANGINOON…Muslim man o Kristiyano…
Hindi ko alam,pero tila ba pinapasa na ng Perwisyo Lines ang kanilang mga Responsibilidad…Una : PAG-ASA,Ikalawa : Del-Monte,Ikatlo : Bayer…okey lang sana kung sila-sila lang ang sinisi….Kaya lang,pati DIYOS sinama nila….Kulang na lang,Sampahan nila ng kaso ang kalangitan…..
Magpaka-relihiyoso muna tayo….Naalala niyo ba yung kuwento ni Noah,Tinawag siya ng PANGINOON upang gumawa ng isang Arko,Pagkat wawasakin ng PANGINOON ang Buong mundo dahil nga sa pinamumugaran na ito ng mga Makasalanan….
Sumunod naman si Noah,Ilang araw,buwan at taon ang Lumipas….At Nabuo nga niya ito…Inutusan naman siya ng PANGINOON na Pasakayin ang Kanyang mga kaanak at kanilang mga Asawa’t anak,Nagsakay rin siya ng mga Mag-pares hayop,Natural,Isang babae at Isang lalaki….
Dumating ang unos…Handa na sina Noah at iba pa,Biglang-bigla ay tumaas ng husto ang Tubig,Hanggang sa ang Buong Sangkalupaan ay Lumubog,Nabura ang lupa sa mapa ng daigdig,may 40 na araw silang palutang-lutang sa Baha,Hanggang sa Tumila at humupa ang Baha….
Namighati ang DIYOS sa kanyang nakita,Wasak ang lahat ng kaniyang nilikha,Walang Natirang buhay maliban kina Noah,Nahabag siya sa mga taong kaniyang Pinarusahan,Kaya nangako na siya kay Noah na hinding hindi na niya Muli itong gagawin….
Ngayon,Balik tayo sa Praktikal na usapan….Kitang Kita naman natin ang pagkukulang ng Perwisyo Lines sa nangyar,Sila lang kasi ang Nagpalayag ng mga Barko nila nung mga panahong yun kahit na Bumabagyo,And then Maririnig natin sa kanila na kung sinu-sino ang kanilang sinisisi?
Kung sa bagay,Sino ba ang umako sa Pagkakasala nila? Sino bang Tao ang umamin na nagkakasala sila sa isang pangyayaring sila ang may gawa/ Sino bang tao ang aaming siya’y nagkasala….Na siya ang nanging dahilan ng kamatayan ng iba…Kahit ako,Di ko kayang gawin yun.
Pero di ito ang gusto kong gawin nila,Yun bang aamin sila sa harap ng marami na Nagkasala nga sila….harapin nila ang mga Responsibilidad…Wag silang Manisi,Wag silang Manunuro ng kung sinu-sino….
Para ibuod ang Lahat,Eto lang ang gusto kong ipahiwatig…..Hindi ako naniniwalang Magagawa ng DIYOS ang isang kagimbal-gimbal na Pangyayari….Oo,Dinidinig niya ang ating mga Panalangin,Dahil siya ang may gawa sa atin….Pero di ibig sabihin nito na iaasa natin sa kaniya ang Lahat….Mayroon tayong responsibilidad sa ating kapwa,kaya nga niya tayo nilalang….Para ipakita sa kapwa natin ang Pagmamahal ng DIYOS….Matuto tayong Tumanggap ng responsibilidad…Responsibilidad na kung paano natin maiaangat ang ating kapwa…Hindi ang Magpahamak.
Ngayon,Balik tayo sa Tanong sa akin….Tinanong ko siya….”Sino sa tingin mo?”
Ang sabi niya…”May hula ako pero di ko sasabihin,Masama eh…”
Then I replied: “Well….I think your guess is as Good as Mine!”
Filed under: News and Politics | Tagged: M/V Princess of the Stars, News, Philippines, Sulpicio Lines



Siguro sa isang banda tama ka. Pero naniniwala din ako na lahat ng nangyayari eh yung will ni god, di ko lang alam kung dapat ‘tong sabihin na ginusto o di-ginusto, coz’ again, things happen for a reason and somewhere out there, there is a bigger entity among us.
Sa ngagyon, di na usapin kung sino ang may kasalanan, sino ang mali at sino ang inosente. Umamin man ang sulpicio o hindi, wala tayong magagawa, binigyan tayong lahatngkakayahan na tumaggi at umako, regardless kung tama man o sa mali.
Ang usapin ngayon ay dapat sa pamilya na mga naulila nakafocus. May umamin man o wala, malinaw kung kanino ang responsibilidad. Wala na sila, wala na tayong magagawa pa. Ang patuloy napagtatalo ay magpapalala lang sa sitwasyon. Sana magtulungan na lang tayong lahat, katulad nga ng sinabi mo, iisa lang ang lumikha satin.
Yeah…that’s it….It’s not an Act of God….but WILL…..
.kmi poh ay isa sa mga kapamilya ng isang passenger sa princess of the star. at hanggang ngyon d pa din namin nkkta ang aking kapatid. lge na ln kmi pnagpapasa kung saan saan ng mga taong tinanongan namin. lumapit na kmi sa mga radio station upang mapancin ng mga hiling na mkta o kht makauasp lamang ang nawawala kong kapatid. nagbabakasakali ako na pagnbasa nio ito ay matulungan nio kmi. nagpunta na kmi kung saan saan. sa sulpicio sa lucena upang malaman kung andun nga. pero mali daw ang records nila at wla daw dun ang aking kapatid. tulungan nio nman sna kmi mahanap ang aking kapatid eh2 ang numero namin sa bahay 046-4719476 at cel no. 0927388799