MERALCO-Government Issue

Teka,Bakit may Bill ng MERALCO dito? Naku,Nag-iinit na naman ang ulo ko!!!!

Anyways,Kung ikaw ay Nagba-budget,Natural di niyo makakalimutan ang Bill niyo sa Kuryente…Natural ,Kailangang bayaran yan!

Pero Tanong lang mga Friendsters….Naiintindihan niyo ba yung mga sinisingil sa inyo ng MERALCO?

Malamang,Hindi…Eh sa sandamakmak na singilin ng MERALCO sa mga customers nito eh it would took some years para lang maintindihan natin yang mga yan.

Katulad halimbawa ng “Systems Loss Charge” , Yan daw yung sinisingil ng MERALCO para sa mga Customers nito dahil “Ninanakaw” ng mga Tinatawag nating “Jumpers” yung Kuryente nila,Bunsod nito,Bumababa ang kita ng Kumpanya,Ang Charge na ito ay Nandiyan na sa Ating mga Bill way back 1980’s pa….Pero Noong 2004 lang Nalantad sa atin kasi nga That time,Tinatago pa nila yun Through PPA or Purchased Power Adjustment.

Aba,Kasalanan pa ba ng mga Legitimate Consumers na May nananakaw sa Kuryente sa MERALCO? Di ba dapat sila ang umaaksyon niyan? Kung away nilang Manakawan,Bakit di sila Nakikipag-tulungan sa mga Ahensya ng Gobyerno katulad ng Department of Energy,energy regulatory Board,PNP,NBI,etc?

Isa pang Nakapagtatakang Bayarin ay yung “Franchise tax”,Di ba Bayarin yan ng Kumpanya? Bakit sa atin sinisingil?

Kung sa bagay,Halos lahat naman ng mga Tax mula sa mga Basic Services pinapasa sa atin…Hay! Ang hirap sa mga Kumpanya sa Pinas,Lahat gagawin para di Lumiit ang kita nila….

At yung “Missionary Charges” at “Envirormental Charges”,Sabi nila,Sinisingil ito sa atin para Matulungan nila ang mga Tahanang Walang kuryente,Lalo na sa mga Remote Areas….

Wala sanang masama rito,Pero again,kasalanan pa rin ba ng mga Legitimate Customers nito kung walang Kuryente sa mga Remote Areas?

Now,Sinasabi ng Mga lopez [isa sa mga owners ng MERALCO] na pinepersonal daw sila ng gobyerno,May sama daw ng loob si Pangulong Arroyo sa mga Lopez….

Sama ng loob? Paano nila nasabi yun? Dahil ba sa Inuungkat ng Gobyerno ang mga Kapalpakan sa Pagpapatakbo nito?

Actually,Kung babalikan natin ang Kasaysayan,Way back 2004,Pinag-utos ni Pangulong Arroyo sa MERALCO na Ipaliwanag ang mga Bayarin ng mga Tao sa MERALCO,Bukod dun,Nakiusap rin siya na Kung pwede ay Tanggalin na ang mga Charges na di naman kailangang ipasa sa Tao…

Syempre,Nagtampururot ang mga Lopez sa sinabi ni Pang. Arroyo,Kasi nga ang inaasahan nila eh Ipagtatanggol sila ng Gobyerno,since sinuportahan nila si Arroyo noong 2004 Elections,Ipina-Tandem pa nga nila si Kabayan Noli,Na noo’y kilalang Broadcaster sa ABS-CBN,Isa ring Lopez Company….So sino ang mga Sama ng Loob Kanino?

Ngayon,Napasok na din ang ABS-CBN sa usapan,kasi nga kung anu-ano na ang Isinampang kaso laban sa ABS,Na Hindi binasura ng DOJ…Remember Wowowee Stampede and Wilyonaryo Scandal?

Iniisip tuloy ng Marami : Naghihiganti ang Gobyerno sa mga Lopez….

Ang Tanong ko naman : Anong ipaghihiganti nila?

Think: Kung walang ginawang Kabalbalan ang Isang Tao,Makakastigo ba siya?

Kung wala silang ginagawang Masama sa Publiko,Kung di kuwestiyunable ang kanilang mga Transaksyon,Kung Maayos ang Paliwanag nila sa Bawat Bayarin sa MERALCO Bill,Hahabulin ba sila ng gobyerno?

10 Responses to “MERALCO-Government Issue”

  1. Ang mga government officials at politicians na nagnanakaw sa kaban ng bayan ang tunay na nagpapahirap sa bayan!!!!! Hellooooo???? Nasaan ka ba nang ibinalita ang iba’t-ibang scams under the present administration? Yung mga sinasabi mong system loss charge, missionary charge, etc. Hindi ba’t may mga batas naman dyan na nagtatakda kung paano sisingilin ang mga yan?

    Nakakatakot, nakakanginig, nakatindig balahibo isiping pamamahalaan ng gobyerno ang meralco. Ngiii, gagawin na namang ‘milking cow’ ito para magkamal ng salapi ang mga taong close to her heart. Naman, tignan mo na lang ang NAPOCOR, umunlad ba sa ilalim ng administrasyon. Aba, eh kahit yung mga leftist na galit sa meralco, sa pagkakataong ito, naiintindihan ang hidden agenda ng gobierno.

    Mag-isip, isip ka naman>

  2. Tama lang na sitahin na talaga ng gobyerno yan. Garapalang pagnanakaw ginagawa nila

  3. kapag tinignan mo, ang trend na ginagawa ng administrasyon ay ang mag take over sa energy sector. then after, sa broadcast naman so inaaway na din ang ABS para eventually, kuhain din nila yun…tapos ano na sunod? martial law? minsan lang, parang di sila nag iisip, sobrang ginagawang engot ang mga tao. eniwei, kapag tinignan mo ang Meralco, mukha naman may effort sila para bumaba ang singil, and tma sila, sila lang ang hindi nagtaas ng rate compared sa fuel at iba pang energy sector. masyado lang talaga tumataas ang kuryente sa iba’t ibang charges…kung naghuhugas ng kamay si gloria, at gusto nya bumaba ang kuryente, yung mga IPP ang habulin nya at tanggalin na ang tax sa kuryente (na di naman nya papayagan… ;)

  4. @ professor x: Paki mo kung nasaan ako? Isa pa Mali ka kung iisipin mong Magnanakaw ang Gobyerno,masyadong Broad.

    @ Jx, Salamat sa Comment

    @ makikidaan lang…., Yeah…Habulin ang mga IPP…

    The Problem is,May mga IPP na Patakbo rin ng Lopez….Baka lalong magduda ang Tao pag Ginawa ng gobyerno yun…..

  5. Napocor should also be blamed here. Nakakatawa ang statement ni Winston Garcia na isang magnanakaw din. Sabi niya hindi daw niya maintindihan kung bakit mas mahal ang singil sa kuryente sa Manila kesa sa Cebu. Halos dalawang piso po ang kamahalan kasi ng singil ng Napocor dito sa Manila kesa sa singil nila sa power distributors sa Cebu. Tonto ka Garcia! Ibalik mo yung mga kinamkam mo from GSIS! Buwaya! Mamatay ka na sana!

  6. si professor x naman, anu ba yang pinag sasabi mo? ikaw siguro wala kang paki sa bayad sa kuryente dhil dimo nararamdaman ang pag taas or empleyado ka ni lopez. .parati gobyerno sinisisi nyo. tsk tsk

  7. Why don’t we based it on facts, sabi ni Pres. Gloria nung May 3, 2008 sa Philippine Star nag bigay na sya ng order sa Napocor na iparehas ang Generation Charges sa lahat ng binebentahan nila ng koryente pero bakit hanggang ngayon wala pa ding ginagawang adjustment ang Napocor na pinatotohanan ng GMA kagabi (May 8, 200 8) sa kanilang news. Ang Meralco lang ba ang nag papatong ng mga additional charges na iyan? di ba lahat ng distribution company dito sa Pinas ginagawa yan at pinakita din yan sa News ng GMA, dahil ito ang inutos ng Gobyerno o eh bakit ngayon parang wala silang alam tungkol dyan. Let us investigate first and analyze the situation, katulad din ako ng iba pang mamamayan na umaalma sa taas ng singil sa koryente pero sana usisiin din nating mabuti ang pangyayari.

    ;0)

  8. Dapat lang naman na tingnan ng gobyerno ang pinaggagawa ng Meralco. Para naman ito sa lahat. Ang ipinagtataka ko lang bakit ang iba dyan ay ipinagtanggol pa ang Meralco. Di ba para sa mahirap kayo? Saan na ang mga puso nyo? Tama lang na imbistigahan at ilabas ng Meralco ang katotohanan.

  9. The government should have a firm stand against our rising power rates. This is one of the things that hinders our nation’s progress.

  10. ang kakapal ng mga mukha ng mga yan baka lahat ng pag-aari nila walang metro ng kuryente, sinisingil nila sa mga taong bayan ang system loss,

Leave a Reply