Cory Aquino Battling Colon Cancer.

null

Okay….Kalimutan na muna natin ang “Masayang Pagbabalik” ni Manny Pacquiao sa Pinas….kasi lagi namang Bumabalik si Pacman sa Pinas,Matalo o Manalo man…..Overkill na kaya ang Balitang yan? [Lalo na sa Channel 7!]

Cory Aquino may colon cancer; mga anak humihiling ng dasal
03/24/2008 | 05:02 PM

MANILA – May colon cancer si dating Pangulong Corazon Aquino, ayon sa kanyang anak na si Kris Aquino nitong Lunes.

Sa isang press conference sa Quezon City, umapela ang mga anak ng dating pangulo na ipagdasal ang kanilang ina matapos makumpirma sa mga pagsusuri na positibo itong may colon cancer.

Ayon kay Kris, nagpasya ang kanyang ina na magpatingin sa duktor matapos makaranas ng high blood pressure, paghirap sa paghinga at pagbaba ng timbang simula noong makaramdam ng pagkahilo matapos ang Christmas Eve mass sa kanilang tahanan.

“Our mother had suffered from an episode of high blood pressure and difficulty in breathing followed by fever during the week in between Christmas and New Year. Since that time, we became concerned because of her consistent cough, loss of appetite and noticeable weight loss,” paliwanag ni Kris.

“Our mom wanted to know what was wrong with her, and with her family by her side, she submitted herself to a check-up and several tests. The results showed that our mother is suffering cancer of the colon,” sabi ng nakababatang Aquino.

Ayon pa kay Kris, ang bunsong anak ng dating pangulo, ang kanyang ina ang nagdesisyon na magbigay ng opisyal na pahayag tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

“Desisyon po ng nanay namin na mag-release kami ng statement, para maunawaan ng lahat ang kanyang kasalukuyang kalagayan. Nakikiusap po kami na sana maintindihan ninyo na kailangan ng aming ina, kagaya ng lahat ng pasyenteng nagpapagaling, ng panahon ng katahimikan,” pakiusap ni Kris na halos hindi mapigilang mapaiyak habang binabasa ang pahayag sa harap ng mga mamamahayag.

Habang nagpapagaling ang kanyang ina, nanawagan si Kris sa publiko at sa media na bigyan ng privacy ang kanyang ina.

“It’s a very difficult time for our family, most especially for our mother. We respectfully ask that she be accorded her privacy,” sabi niya.

“Our mom remains a believer in the power of prayer. We ask for your compassion and for your prayers for our mother’s recovery.”

Dinala sa Medical City sa Pasig si Gng Aquino noong bisperas ng nakaraang Pasko dahil sa mataas na lagnat na naging sanhi ng trangkaso.

Si Gng Aquino, asawa ng pinaslang na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ay pangunahing kritiko ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na nahaharap sa mga alegasyon ng katiwalian.

Aktibo ang dating pangulo sa mga pagtitipon tulad ng mga “mass for truth” para kay Senate witness Rodolfo Noel Lozada Jr na nagbunyag tungkol sa kinanselang kontrata ng pamahalaan sa Zhong Xing Telecommunications Equipment (ZTE) Corp. ng China. – Fidel Jimenez, GMANews.TV

Well,I admit Medyo inis ako kay Ms.Aquino….Kasi nakikisama na rin siya sa mga Nagpapabagsak sa ating Gobyerno na Gusto rin maging Politician…..

Pero sa kabilang Banda,Napakabigat ng Pag-subok na Pinag-dadaanan nila…Lalo pa’t Napakarami niyang supporters at Bahagi na nga ng Kasaysayan ang Pamilya Aquino….So Kahit ako,Nagulat….

We should be ready for that…Kahit ako,Masasaktan na mabalitaan na may sakit ang mga mahal ko sa Buhay,Lalo pa’t nakakamatay yung sakit,Di ba?

Qoute of the Month:

“Sinabi ko sa kanya na….Mom,when you told us what’s wrong with you,The first thing that entered my mind is that….Bakit ako mag-aalala when sigurado naman ako….You go straight to Heaven…”

- Kris Aquino in an Interview

3 Responses

  1. Naaawa ako kay Madam Cory. Naging bahagi na ang kanyang buhay sa buhay nating mga Filipino. Malaki ang nai-ambag niya pagpapanatili ng kalayaan sa ating bansa. Mabuhay ka Tita Cory. Ipagdasal ka namin. Magpahinga ka na lang ng mabuti. Wag nang sumama sa rally. Mapapagod ka lang.

  2. ^that’s all she needs to do….rest.

  3. hayyyyy…..nakakamis po talaga si madam cory.idinaan ko na lang sa kanta ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa pagkakasakit ng aking iniidolo na si Former Pres.Cory Aquino.Sana gumaling siya sa sakit nya.pakisabi po na lagi ko po siyang ipinagmamalaki sa aking mga classmates.lagi po sana siyang magdadasal at huwag po sana siyang mawalan ng faith kay God.Thank You Po!!!!!!!!!

Leave a Reply