

Libu-libong Mga Rallyista mula sa Iba’t Ibang panig ng bansa ang Pumunta sa panulukan ng Paseo De Roxas at Ayala Avenue sa Makati,Iba’t-ibang personalidad,Mayaman,Mahirap,Pulitiko man o hindi….
Pero iisa lang ang Panawagan: GOLRIA RESIGN.
Sa Katunayan,Sa Pagsasaliksik nga ng IBON Foundation noong nakaraang buwan,kaugnay sa Isyu,Lumalabas na nga na Dumarami na ang Bilang ng mga Tao na Gustong umalis si Arroyo sa pwesto.

Sa 1,500 katao na sinurvey nila, Higit 1,100 ang Nakaka-alam na nananawagan na ang ilang mga grupo upang bumaba sa pwesto ang pangulo.
Mula rito,Higit 70% ang humihiling na bumaba na sa pwesto si Arroyo dahil sa Malalang Kurapsyon sa Kanyang Administrasyon,Habang 13% lang ang Hindi pabor.
Ginawa ang Survey sa kainitan ng ZTE Broadband “Scam” at Extra-judicial Killings.

Halos 8 sa bawat 10 Pinoy ang Naniniwalang nandaya si Pangulong Arroyo noong 2004 Elections.

Sa Kabilia nito,Iginiit ni Pangulong Arroyo sa harap ng mga Business Officials sa Isang Hotel sa Makati na nasuspinde na ang NBN=ZTE Deal kaya wala nang Dapat pag-usapan pa,Sinabi rin niya na Kaya niya sinuspinde ito ay sapagkat Nilalabanan niya ang Umano’y Kurapsyong magaganap kung saka-sakali….Katunayan,Pina-iimbestigahan na niya ito sa Office of the Ombudsman at sa Department of Justice.
Pinasaringan rin niya ang mga Gusto raw magpabagsak s akanyang administrasyon: Namumulitika lang daw sila.
Maraming nangyari sa Maghapong ito:

Narito na yung Pag-amin ni Secretary Neri na Kinausap nga niya ang Ilang Senador na Maka-Oposisyon katulad nina Jamby Madrigal at Ping Lacson at si ZTE Star Witness Jun Lozada noong December.7,2007.
Sang-ayon sa E-mail na nakuha ng GMA News,Kinukumbinsi raw si Neri na Bumalik sa Senado upang ituloy ang kuwento ukol sa ZTE Broadband Deal.
Inamin rin niya na May nasabi siyang di maganda tungkol sa gobyerno.
Ikinagulat ito ng mga kasama niya sa meeting,Ayon nga kay Lozada,Ayaw daw ni Neri na malaman ito ng Iba maliban sa kanila.
Ayon pa sa kanya,Noong April 2007 pa Dapat magbibitiw ang Kalihim sapagkat di na niya masimura ang Lantarang Kumisyunan,Dinetalye rin daw ng Kalihin ang kalakaran ng “Nakawan” sa Gobyerno.

Nandiyan rin ang Pag-rarally ng Gabriela sa Harapan ng LTA Bldg,Kung saan Nag-oopisina si First Gentleman Mike Arroyo.
Doon ay nanawagan sila sa Pag-reresign ni Pangulong Arroyo.

At siyempre,Ang Main Highlight na yata ng araw nito ay ang Panawagan ni Joey de Venecia,Anak ni Former Speaker Jose de Venecia na Nag-siwalat ng anomalya sa NBN-ZTE Deal,Na mag-kaisa ang taumbayan upang Pabagsakin ang Arroyo Administration.


Pero Kung may Anti Gloria,Meron din namang Pro Gloria.
Nagpakita ng Pwersa ang Ilan sa mga Mayor,Kongresista at Gobernador na Sumusuporta kay Pangulong Arroyo,Binatikos nila ang Umano’y Pagdadrama ni Lozada sa hearing sa Senodo kaugnay sa NBN-ZTE Deal.
Tinira rin ng nila ang mga Senador na Nag-iimbestiga sa Anomalya.
Bukod dito,Lumantad na ang Kongreso ng Mamamayan,Ang grupo na nasa likod ng mga print Ads laban kay Lozada.
Kakasuhan rin nila si Lozada,Tungkol sa mga anomalyang Inamin ng Huli sa Senado.
Hay! Ano ba naman yan?!
Hindi na matigil ang Pulitika sa ating Bansa…Palibhasa Malapit na ang 2010…Kaya Nagpapapansin na ang Ilang Pulitiko para makisawsaw sa kontrobersya…..
Tapos Pinalalala pa ng mga “Halimaw” sa Gobyerno natin,Na nagpapasasa sa Kapangyarihang Ibinigay ng Taumbayan sa kanila…..
Di ko rin Maiwasang Mainis sa mga Rallyista….Ingay sila ng Ingay,Wala namang nangyayari.
Di naman sa Pro Gloria Ako ano?….I Believe Gloria sucks….Pero sana naman po,Sa susunod na Mag-rally kayo sa kung saan pa man,make sure May Mangyayaring Maganda,kasi sayang yung Pagod niyo sa kara-rally…But at the end of the Day…Wala kayong Napala!
Filed under: News and Politics | Tagged: Gloria Arroyo, Joey de Venecia, Jun Lozada, NBN-ZTE, News, Philippines, Romulo Neri, Senate



Sa totoo lang sawa na ang karamihan sa mga tao na idaan sa rally at protesta sa kalsada ang tungkol sa pagpapatalsik ng mga pinuno natin sa kapangyarihan. Mas iniisip nilang asikasuhin na lang ang mga buhay nila kaysa naman na makibaka sa isang protesta na di mo sigurado kung magkakaroon ng katuturan o wala uling mangayayari. Sure, corrupt ang karamihan sa mga tao sa pwesto ngayon, pero kung sakaling mapatalsik nga yun kasalukuyang gobyerno, nakasisigurado ba tayo na maaayos na lahat pagkatapos nun? Sa tingin ko, hindi.
Hay! How true!
Isa pa,Yung mga nag-rarally noong EDSA 1 at EDSA 2,Sila pa rin ang Nagrarally ngayon para patalsikin ang Kasalukuyang Pangulo!
Ano ba gusto nila,kapakanan ng Bayan o Kapakanan nila?
Parang di sila Satisfied eh!
Ano nga ba dapat gawin natin?