MERALCO-Government Issue

Teka,Bakit may Bill ng MERALCO dito? Naku,Nag-iinit na naman ang ulo ko!!!!
Anyways,Kung ikaw ay Nagba-budget,Natural di niyo makakalimutan ang Bill niyo sa Kuryente…Natural ,Kailangang bayaran yan!
Pero Tanong lang mga Friendsters….Naiintindihan niyo ba yung mga sinisingil sa inyo ng MERALCO?
Malamang,Hindi…Eh sa sandamakmak na singilin ng MERALCO sa mga customers nito eh it would took some years para lang maintindihan natin yang mga yan.
Katulad halimbawa ng “Systems Loss Charge” , Yan daw yung sinisingil ng MERALCO para sa mga Customers nito dahil “Ninanakaw” ng mga Tinatawag nating “Jumpers” yung Kuryente nila,Bunsod nito,Bumababa ang kita ng Kumpanya,Ang Charge na ito ay Nandiyan na sa Ating mga Bill way back 1980’s pa….Pero Noong 2004 lang Nalantad sa atin kasi nga That time,Tinatago pa nila yun Through PPA or Purchased Power Adjustment.
Aba,Kasalanan pa ba ng mga Legitimate Consumers na May nananakaw sa Kuryente sa MERALCO? Di ba dapat sila ang umaaksyon niyan? Kung away nilang Manakawan,Bakit di sila Nakikipag-tulungan sa mga Ahensya ng Gobyerno katulad ng Department of Energy,energy regulatory Board,PNP,NBI,etc?
Isa pang Nakapagtatakang Bayarin ay yung “Franchise tax”,Di ba Bayarin yan ng Kumpanya? Bakit sa atin sinisingil?
Kung sa bagay,Halos lahat naman ng mga Tax mula sa mga Basic Services pinapasa sa atin…Hay! Ang hirap sa mga Kumpanya sa Pinas,Lahat gagawin para di Lumiit ang kita nila….
At yung “Missionary Charges” at “Envirormental Charges”,Sabi nila,Sinisingil ito sa atin para Matulungan nila ang mga Tahanang Walang kuryente,Lalo na sa mga Remote Areas….
Wala sanang masama rito,Pero again,kasalanan pa rin ba ng mga Legitimate Customers nito kung walang Kuryente sa mga Remote Areas?
Now,Sinasabi ng Mga lopez [isa sa mga owners ng MERALCO] na pinepersonal daw sila ng gobyerno,May sama daw ng loob si Pangulong Arroyo sa mga Lopez….
Sama ng loob? Paano nila nasabi yun? Dahil ba sa Inuungkat ng Gobyerno ang mga Kapalpakan sa Pagpapatakbo nito?
Actually,Kung babalikan natin ang Kasaysayan,Way back 2004,Pinag-utos ni Pangulong Arroyo sa MERALCO na Ipaliwanag ang mga Bayarin ng mga Tao sa MERALCO,Bukod dun,Nakiusap rin siya na Kung pwede ay Tanggalin na ang mga Charges na di naman kailangang ipasa sa Tao…
Syempre,Nagtampururot ang mga Lopez sa sinabi ni Pang. Arroyo,Kasi nga ang inaasahan nila eh Ipagtatanggol sila ng Gobyerno,since sinuportahan nila si Arroyo noong 2004 Elections,Ipina-Tandem pa nga nila si Kabayan Noli,Na noo’y kilalang Broadcaster sa ABS-CBN,Isa ring Lopez Company….So sino ang mga Sama ng Loob Kanino?
Ngayon,Napasok na din ang ABS-CBN sa usapan,kasi nga kung anu-ano na ang Isinampang kaso laban sa ABS,Na Hindi binasura ng DOJ…Remember Wowowee Stampede and Wilyonaryo Scandal?
Iniisip tuloy ng Marami : Naghihiganti ang Gobyerno sa mga Lopez….
Ang Tanong ko naman : Anong ipaghihiganti nila?
Think: Kung walang ginawang Kabalbalan ang Isang Tao,Makakastigo ba siya?
Kung wala silang ginagawang Masama sa Publiko,Kung di kuwestiyunable ang kanilang mga Transaksyon,Kung Maayos ang Paliwanag nila sa Bawat Bayarin sa MERALCO Bill,Hahabulin ba sila ng gobyerno?
Filed under: News and Politics | Tagged: Meralco, News, Philippines | 7 Comments »



